Linggo, Enero 11, 2015

SIYA, ang buhay namin.....




SIYA, ang buhay namin

Kristelle Claire Quiamco






         Noong hindi pa niya nasilayan ang kagandahan ng mundo, hindi ko masasabing napakasaya ng aming pamilya. Minsan kasi, makaranas ang ating mga magulang na hindi pagkakaunawaan bagay na makagawa sila ng maling desisyon na maaaring pagsisihan nila sa bandang huli.  Buti na lang ay nanaig sa kanila ang “pag-ibig”. Pag-ibig sa mga supling at pag-ibig sa isa’t-isa na kung saan nagpapatibay sa isang pamilya.
     
             Nang dumating SIYA sa buhay namin noong ika-18 ng Mayo, 2009, labis-labis ang kasiyahan ng aking mga magulang dahil sa wakas nagkaroon na rin sila ng isang anak na lalaki na siyang pinangarap nila. Sa araw-araw ng takbo ng aming buhay, halos nakatuon lahat ang atensyon nina Papa at Mama sa KANYA. Tuloy nagawa kong manibugho at nasabi ko sa sarili na, “Ba’t nagsilang pa si Mama”.

             Disin sana kami lang ng kapatid kong babae ang bigyan nila ng pagmamahal. Pero, sa bandang huli nanaig ang pagmamahal ko sa kanya dahil siya lang ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Wala pala akong dapat ipagselos dahil alam ko ganoon din ako noong bata pa, lahat ng atensyon nakatuon sa akin. Paanong hindi ko siya mamahalin? Bibong bata siya. Madaldal, mapagmahal at maalalahanin sa amin. Sa murang edad niya, marunong na siyang magsabi ng “I love you Ate Kc”. At ilang beses din niyang bigkasin ito sa aking mga mahal sa buhay pati na sa ibang tao, na ni minsan hindi ko masambit sa aking mga magulang. Kaya naisip ko ko, kaya pala mahal na mahal siya ng mga magulang ko dahil may mga katangian siya na wala ako at sa aking kapatid na babae. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad niya ay may mga katangian na siya na taglay ng isang may edad na.
         
           Ngayon, masasabi ko na naragdagan ang kaligayahan ng pamilya ko dahil sa kabibohan niya. Siya ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Faith Christian Tutorial Center, bilang Kinder I.  Ang batang minsa’y namuna sa akin kapag may pagkakamali akong nagawa sa loob ng tahanan.  Ang batang makulit ngunit malambing . . . si JERALD ROI  “JERO” QUIAMCO, ang buhay ng buhay namin.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento