Manatili ka sa puso’t isipan
Ni: KC Quiamco
Ang buhay ng tao
ay hiram lang sa Maykapal. Kung mawawala man
sa buhay natin ang mga taong malapit sa ating puso, iyon ay may dahilan. Noong hindi ko pa
napagmasdanang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos. Naramdaman ko na ang init ng kanyang pagmamahal.
Labis-labisang pag-aalala niya sa tuwing ang aking ina ay napagal sa mga gawaing bahay.
Parang narinig ko pa saloob ng tiyan ni Mama na winika niya “Ay naku anak!
Huwag kang magpapagod at nakasasama sa baby”. Hind ko lubos maisip kung
bakit alalang-alalasiya. Dahil ba ay panganay ako nailuluwal ng pinakamamahal at
nag-iisang anak niya na babae? Siguro yon na nga ang dahilan.
Kaya
nang masilayan ko na ang mundong ginagalawan niya,
isa siya sa pinakamasayang nilalang dahil sa wakas ay
nakita na niya ang pinaka-aasam niyang apo. Naramdaman ko ang kanyang mga maiinit na mga halik at
yakap. Para bang sa kilos niya ay siya ang nanay? Daig pa niya si Mama Siguro
nga ganyan talaga ang mga lola, mapagmahal, maalaga at maalalahanin sa mga apo. Wala na akong masisidlan pa saaking galak pagkasama ko si Mommy (yon ang tawag ko
sa kanya) Ang Mommy ko ay ang Yaya ko sa panahong pumapasok si Mama sa paaralan
at si Papa naman nasa ibang lugar nadestino.
Maikli
lang ang panahong pinagsama naming mag-lola ditto sa mundo. Nang tumuntong ako sa
edad na limangtaon, pumanaw na siya dahil
sa matinding karamdaman. Sa murang edad kong iyon ay alam kong hindi na kami
kailan man makapagbonding mag lola,
dahil sabi ni Mama sa akin na, kinuhana siya ni GOD. Kaya ngayon, kahit sampung
taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw si Mommy ay hindi ko pa rin makalimutan ang
mga masasayang oras na magkasama kami. Wala man siya sa mundong ginagalawan ko ngayon
ay mananatili siyang buhay sa puso at isipan ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento