Miyerkules, Enero 14, 2015

Pag-ibig




Pag-ibig

Hindi mapapantayan ang wagas na pag-iibigan
Nang dalawang magkasintahan na nagmamahalan
Kaya walang sinuman ang makakahadlang,
Kung sila ay tunay na nag-iibigan.

Tunay na pag-ibig ay hindi kailangang hanapin
Sa buhay na ito ay  kusang darating,
Kaya ang puso pigilan na ito’y hanapin,
Upang makaiwas sa pagkaalipin.

Ang puso’y huwag pabayaan sa nararamdaman
Sapagka’t dulot nito’y kaguluhan lamang,
Lalo na kung umiibig ka sa taong di matino
Ito ay mauuwi lang sa sugatang puso.





Linggo, Enero 11, 2015

CELLPHONE




CELLPHONE


Sa cellphone nagsimula ang lahat
Bawat isa’y may kanya-kanyang banat
Para lang ang sarili’y maiangat
Kahit ang lahat ay magkasalungat.


Sa cellphone lahat nag-umpisa
Isang text na “hello” ay agad balisa
Kaakibat ng reply ay munting pag-asa
`Di halos batid, sa huli pala’y pagdurusa.


Cellphone isang makateknolohiyang bagay
Na ang lahat ay hindi mapalagay
Sa komunikasyon daw siya’y tulay
Ngunit kabiguan sa sarili ang siyang alay.


Cellphone, nitong modernong panahon, umiikot ang mundo
Kaya paminsa’y tayo’y nagkakagulo
Bibilugin at paiikutin lang iyong ulo
Lunggang kasinungalingan na gawang tao.

SIYA, ang buhay namin.....




SIYA, ang buhay namin

Kristelle Claire Quiamco






         Noong hindi pa niya nasilayan ang kagandahan ng mundo, hindi ko masasabing napakasaya ng aming pamilya. Minsan kasi, makaranas ang ating mga magulang na hindi pagkakaunawaan bagay na makagawa sila ng maling desisyon na maaaring pagsisihan nila sa bandang huli.  Buti na lang ay nanaig sa kanila ang “pag-ibig”. Pag-ibig sa mga supling at pag-ibig sa isa’t-isa na kung saan nagpapatibay sa isang pamilya.
     
             Nang dumating SIYA sa buhay namin noong ika-18 ng Mayo, 2009, labis-labis ang kasiyahan ng aking mga magulang dahil sa wakas nagkaroon na rin sila ng isang anak na lalaki na siyang pinangarap nila. Sa araw-araw ng takbo ng aming buhay, halos nakatuon lahat ang atensyon nina Papa at Mama sa KANYA. Tuloy nagawa kong manibugho at nasabi ko sa sarili na, “Ba’t nagsilang pa si Mama”.

             Disin sana kami lang ng kapatid kong babae ang bigyan nila ng pagmamahal. Pero, sa bandang huli nanaig ang pagmamahal ko sa kanya dahil siya lang ang nag-iisa kong kapatid na lalaki. Wala pala akong dapat ipagselos dahil alam ko ganoon din ako noong bata pa, lahat ng atensyon nakatuon sa akin. Paanong hindi ko siya mamahalin? Bibong bata siya. Madaldal, mapagmahal at maalalahanin sa amin. Sa murang edad niya, marunong na siyang magsabi ng “I love you Ate Kc”. At ilang beses din niyang bigkasin ito sa aking mga mahal sa buhay pati na sa ibang tao, na ni minsan hindi ko masambit sa aking mga magulang. Kaya naisip ko ko, kaya pala mahal na mahal siya ng mga magulang ko dahil may mga katangian siya na wala ako at sa aking kapatid na babae. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad niya ay may mga katangian na siya na taglay ng isang may edad na.
         
           Ngayon, masasabi ko na naragdagan ang kaligayahan ng pamilya ko dahil sa kabibohan niya. Siya ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Faith Christian Tutorial Center, bilang Kinder I.  Ang batang minsa’y namuna sa akin kapag may pagkakamali akong nagawa sa loob ng tahanan.  Ang batang makulit ngunit malambing . . . si JERALD ROI  “JERO” QUIAMCO, ang buhay ng buhay namin.



Social Media in our Generation


Social Media in our Generation


When the explorers discovered this thing which helps us to enlighten our works by means of communication and information to other. In our generation, we’ve been surrounded by this kind of things which called Modern Technologies. And also called Social Media.

Which socialize other people to share, create and other things? In addition, whether it has bad and good effects, it can lead to practice and foster social skills for our future success. Share among themselves day in and day out, giving and receiving information at rapid speeds. This information is more than funny cat videos; they share views and opinions; tips, tricks, and, among students, helpful information for classes. Their ability to assess, analyzes, retain and share information and they often don’t even realize they’re developing these skills.  Students use social media day in and day out to interact with their peers and even teachers about class-related subjects.

Social Media sites allow people to communicate and remain in contact with friends as well as meet new people. These sites allow people to find others with similar interests that they can create a relationship with and get to know one another. Groups can be joined or formed to meet people with similar interests, and views. Using social media also helps kids develop their skills, which seem to be the continued wave of the future.  Social media is not a passing fad; if anything, it continues to have greater influence on kids all the time.  It is up to you, as a parent, to help your kids develop these skills, like all the others you teach.  In fact, it appears that social media skills are a new skill set that all kids are going to need for a successful future.


Biyernes, Enero 9, 2015

Manatili ka sa puso't isipan




Manatili ka sa puso’t isipan
Ni: KC Quiamco

              Ang buhay ng tao ay hiram lang sa Maykapal. Kung mawawala man sa buhay natin ang mga taong malapit sa ating puso, iyon ay may dahilan. Noong hindi ko pa napagmasdanang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos. Naramdaman ko na ang init ng kanyang pagmamahal. Labis-labisang pag-aalala niya sa tuwing ang aking ina ay napagal sa mga gawaing bahay. Parang narinig ko pa saloob ng tiyan ni Mama na winika niya “Ay naku anak! Huwag kang magpapagod at nakasasama sa baby”. Hind ko lubos maisip kung bakit alalang-alalasiya. Dahil ba ay panganay ako nailuluwal ng pinakamamahal at nag-iisang anak niya na babae? Siguro yon na nga ang dahilan.
          
              Kaya nang masilayan ko na ang mundong ginagalawan niya, isa siya sa pinakamasayang nilalang dahil sa wakas ay nakita na niya ang pinaka-aasam niyang apo. Naramdaman ko ang kanyang mga maiinit na mga halik at yakap. Para bang sa kilos niya ay siya ang nanay?  Daig pa niya si Mama Siguro nga ganyan talaga ang mga lola, mapagmahal, maalaga at maalalahanin sa mga apo. Wala na akong masisidlan pa saaking galak pagkasama ko si Mommy (yon ang tawag ko sa kanya) Ang Mommy ko ay ang Yaya ko sa panahong pumapasok si Mama sa paaralan at si Papa naman nasa ibang lugar nadestino.

               Maikli lang ang panahong pinagsama naming mag-lola ditto sa mundo. Nang tumuntong ako sa edad na limangtaon, pumanaw  na siya dahil sa matinding karamdaman. Sa murang edad kong iyon ay alam kong hindi na kami kailan man makapagbonding mag lola,  dahil sabi ni Mama sa akin na, kinuhana siya ni GOD. Kaya ngayon, kahit sampung taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw si Mommy ay hindi  ko pa rin makalimutan ang mga masasayang oras na magkasama kami. Wala man siya sa mundong ginagalawan ko ngayon ay mananatili siyang buhay sa puso at isipan ko.







My New Year Resolution for 2015


      
      My New Year Resolution For 2015


Last Year was full of happenings wherein I gradually knew more about the true meaning of ‘life’. Many happens sues and failures ups and downs and such. That year I considered as the most interesting upon the past few years. I’ve done many things. I achieved things more than I expect it would be. I’d been through many triumphs. I’ve done many things last year that developed as a true person but despite all of that I ant hide my faults being imperfect as a person.
       
   We all know that we can’t be perfect as GOD is but I want to try to be one. In today’s new start I’d want to lessen my curves as a person. The first thing I want to change is being lazy of mine. Last year many failures have done because of my laziness. I kept doing things late. And this makes me to repent such things such thing I want do again. So now this year I want to savour each moments in my life because time is pacing fast. I don’t want to reach to the point wherein I’ll repent what I’ve done and lose such 

         Second thing is the habit of mine being easily-tempered. I used to lose my temper easily. And this leads to such things I don’t want to do. This year I want to prevent myself doing things abruptly things that I don’t think of to make my year a worth remembered for.  These things will be useless without GOD from above. I can’t do anything that will make my year a prosperous one without his guidance. So the last thing I want is to change or should I say to improve is my fear to GOD. I want to strengthen more my faith to GOD. I noticed last year that I used to refrain from going to  church every Sunday.  I do pray always but  it’s different from praising him in the church.

          Changing is either has a and good attributes. But I’m Changing for Good. I’m not totally changing instead I’m improving myself for the better.